Bawat letra'y may sinisigaw na tinig.
Bawat pantig ay may himig.
Bawat salita'y may tinatagong musika.
At bawat nadarama'y may katumbas na ritmo, sinta.
Project PAPEL: Isang koleksyon ng mga tula para ka Kian Loyd delos Santos mula sa mga miyembro ng #SaveLiterature group. Pakinggan ang boses ng mga kabataang makata na naghahangad na makamtan ang hustisya at kapayapaaan kaniyang kaluluwa. Para sa iyo 'to, Kian.