May mga pagkakataon sa ating buhay na halos mawalan na tayo ng pag-asa, na sa kabila ng lahat ng ginagawa natin para lang malampasan ang mga pagsubok sa ating buhay ay hindi pa rin nating maiwasang panghinaan ng loob, lalo na sa mga panahong wala kang malapitan, walang gustong magbigay ng atensyon sayo , walang gustong tumulong sa kalagayan mo kahit na hirap na hirap ka na sa sitwasyon mo. tanging magagawa na lamang natin ay umiyak, manalangin na sana isang araw magbago ang ikot ng mundo, ang mga naaapi ay babangon at kikilalanin din bilang isang tao at sila na walang puso ay magbabayad sa bawat kasalanang kanilang ginagawa ..
sabi nila my nangyayari sa buhay mo na di mu inaasahan, minsan inaasahan mo na pero sobrang ikakagulat mu pa rin, minsan naman eh gugulatin ka na lang, pero mangyari man ang mga yon eh meron pa ding magandang idudulot ito sa atin o sa ibang tao. un nga lang di mu talaga inaasahan.