Teaser: Para sa isang tulad ni Hayeena Rein Salazar, ang buhay niya ay maihahalintulad sa isang daga. Pa'no ba naman, nakatira siya sa siksikang lugar sa tondo, kung suswertehen naman siya hindi siya mananakawan sa tuwing hating gabi siya uuwi. Isama mo pa ang mga tsismoso't tsismisa sa kanto, kung ano-ano ang pinagsasabi sa kaniya. Lagi ba namang istsismis na isa daw siyang bayarang babae, di kaya'y nagbebenta raw siya ng drugs. O diba? Ganiyan ang palaging nararanasan niya. Ang nanay niya may sakit, ang mga kapatid naman niya mga nag-aaral pa, ang tatay naman niya? Ayon nakipag-live in sa kabit niyang pokpok. Kaso si tadhana, nakipaglaro. Nilaro ba naman ang buhay niya. Hindi pa nakonteto, pati ang buhay pag-ibig niya pinagdiskitahan. Ayan! Nahulog tuloy ang puso niya. Aba! Para sabihin ko sa inyo, e napaka-GWAPOng antipako ang nakilala niya. Sa dinami-raming lalaki sa mundo sa isang.. Zuan Jiro Falcon siya na-in love! My god?! Anong gagawin niya?! Lord! Pahelp daw!