SYNOPSIS
GREAT LOVE = GREAT TRAGEDY = TRUE LOVE
Ang unang libro ng My Great Love ay nakatuon sa pag-iibigan nina Don Carlos at Donya Cristina, marami ang nanghinayang dahil sa hinde magandang katapusan ng kwento nina Aileen at ni Henry, dahil sa nalaman nilang katotohanan na hinde sila maari maging magkasintahan dahil sila ay magkapatid.
Marami ang Nabigo, marami ang nalungkot, ngunit ang pagmamahalan pa rin ang siyang nagwagi dahil sa walang hanggang pagmamahalan nina Don Carlos at ni Donya Cristina sa isa't-isa.
Nagdulot man ito ng poot at paghihiganti sa pag-iibigan at pagpapatawad din ito natapos .
Ngayon sa ikalawang libro at yugto ng MY GREAT LOVE,
Pagkatapos nilang malaman ang buong katotohanan , natanggap na nga ba nang tuluyan ni Aileen na hinde sila maaring maging sila ni Henry?
Paano naman si Henry? mananatili ba siyang tahimik sa tunay niyang nararamdaman para sa ikakabuti ng lahat o Ipaglalaban na niya ang sinisigaw ng kanyang Puso, at aminin ang tunay na tinitibok nito?
Ngunit.... Paano..... Paano nila parehong ipaglalaban ang kanilang mga nararamdaman kung sila ay Magkapatid?
Bakit nga ba kapag nagmamahal ka, hinde mo rin maiwasan ang Masaktan?
Samahan ninyo muli ako, tuklasin ang mga bumabalot na misteryo, malaman ang mga tinatagong lihim, at ang ang mga sakripisyo para matagpuan at malaman kung ito nga ba ay isang "GREAT LOVE".