MISLEADING FOOTPRINTS [On Going?]
Misleading Footprint by Cenestropy
Genre Political -Romance
Si Ascha Vannel Hizon ay isang simpleng probinsiyanang napilitang magpunta ng Maynila upang magtrabaho bilang katulong sa mansion ng makapangyarihang pamilyang Fernandez matapos magkasakit ang kaniyang ina.
Doon niya nakilala si Brian Elijah Fernandez - ang malamig, mapagmataas, at misteryosong anak ng isang kilalang congressman sa Cagayan.
Ngunit nang lumala ang kalagayan ng kaniyang ina, inalok siya ni Brian ng isang kasunduan na hindi niya kayang tanggihan.
Kapalit ng pagpapagamot sa kaniyang ina, kailangan niyang magpanggap bilang girlfriend nito sa loob ng Fernando High -isang prestihiyosong paaralan para sa mga anak ng pinakamakapangyarihang pamilya sa bansa.
Sa una ay akala ni Ascha simpleng pagpapanggap lamang ang lahat.
Pero habang mas lalo siyang napapalapit kay Brian, unti-unti rin niyang natutuklasan ang madidilim na lihim sa likod ng pamilya Fernandez at ng Fernando High.
Mga kasinungalingan.
Korapsyon.
At mga yapak na hindi niya dapat sinundan o maski nino man.
Sa mundong ito puno ng pagpapanggap at kaganidan sa kapangyarihan, may lugar ba ang mga taong sinusubukang tumaliwas sa nakasanayang ligaw na landa?