Bakit ba ang pagsisisi ay lagi nasa huli? Bakit ba pag nawala na yung tao dun mo lang malalaman yung halaga nito sa'yo? Bakit ba kita pinayagan pakawalan kung ako ay mag dudusa lang at patuloy lang din masasaktan? Ngayon ko lang napagtanto kung kailan ka nawala saka ko doon nalaman na hindi ko pala kaya. Ngayon gugustuhin mo pa bang bumalik sa sinaktan ka, pero nasaktan mo rin siya. Susundin mo paba yung sinisigaw ng puso mo kahit nasasaktan kana? O itatago mo nalang sa kanya na magiging okay ka din kahit para sayo mahihirapan ka na. Dahil mas pinili niyang mag pakalayo sa mga taong nananakit sa kanyang damdamin upang makalimot sa sakit na ibinigay sa kanya ng kayang minamahal. Tuluyan mo na ba akong kakalimutan, tatanggalin sa iyong piling o ipagpapatuloy pa natin yung naumpisahan nating "WALANG IWANAN KAHIT TADHANA PA ANG ATING KALABAN".All Rights Reserved
1 part