"Katulad ng bench & bath mong nahulog nung nagkakilala tayo.. Paulit-ulit lang rin akong nahuhulog sa'yo dahil sa mga ngiti mo. Paulit-ulit kitang sinasalo sa mga oras na mag-isa ka at nanlulumo.Kahit pa paulit-ulit lang rin akong maging tanga dahil sa pagmamahal ko sa'yo. Paulit-ulit akong pinapaasa ng mga ngiti mo at Paulit-ulit rin kitang minamahal kahit paulit-ulit pa kong maging isang hangal." "Pero Dayne? Bakit ba kahit masaktan pa ko ng paulit-ulit. Handa akong tiisin yung sakit. Maging akin ka lang ulit?" "Bakit kahit alam kong katangahan lang to, Handa akong lokohin yung sarili ko. Wag lang mawala ulit yang ngiting yan sa paningin ko?" "Bakit kahit alam kong nahihirapan na ko at nasasaktan handa parin akong magtiis at magsakripisyo?" "Bakit napakamapangangib nang ngiti mo para paulit-ulit na saktan at paasahin ako?" "Dahil ngiting to ang unang minahal mo..Ngiting unang tumatak sa isip mo at tumagos sa puso mo.. Minahal mo ko dahil dito.. Dahil hindi mo na kayang mawala pa ang mga ngiting to sa paningjn mo..." Nag-iisang sagot niya na sumagot sa kahat ng mga tanong ko. Dahil lahat ng sinabi niya ay totoo. Minahal ko siya dahil sa mga ngiti niya. Kung kaya't handa akong magsakripisyo, mapanaltili lang ang mga ngiti sa mukha nito.All Rights Reserved
1 part