Ang magkaroon ng isang astig na banda ang matagal nang pinapangarap ni Louise Kid Filomeno Verdel. Kaya pagtungtog niya ng 4th year highschool ay napagdesisyunan na niyang bumuo ng banda bago pa siya makarating ng college, dahil naisip niya na baka maging huli ang lahat para matupad ang isa sa mga pangarap niya. Pero kulang pa sila ng isang member, wala pa silang lead guitarist. Makahanap kaya agad siya ng lead guitarist o baka naman pag-ibig ang mahanap niya ng hindi inaasahan?