Bakit kahit alam mong tapos na ang lahat, pilit mong binabalikan yung simula? Lagi mong tinatanong, paano kaya kung mas minahal mo siya?
Paano kaya kung hndi mo na lang siya minahal? Paano kaya kung hindi na lang kayo nagkakilala? Para mabura na lang siya sa alaala mo?
Pano kaya kung noon nagkatagpo kayo, ibang tao ka at ibang tao rin siya, sa ibang pagkakataon, sa ibang lugar, sa ibang panahon. Maiba din kaya ang tadhana niyo?
Kamay mo na ba ang hawak nya? Ikaw na ba ang nasa tabi niya? Ikaw na ba ang kayakap niya? Ikaw na ba ang dahilan ng mga ngiti nya?
O ikaw parin ba ang dahilan kung bakit mas pinili niya magmahal ng iba?
Pano kung ang minamahal mong tao ay malalaman mong hindi mo kauri? Pano kung malaman mong bampira siya?
Mamahalin mo pa rin ba siya tulad ng dati at mananatili sa tabi niya? o lalayo ka nalang sa kanya? dahil sa magkaiba niyong pagkatao?
Handa ka bang ipaglaban siya hanggang sa huli?