10 parts Complete Prologue
Akala ko... sapat na ang pagmamahal para piliin ka.
Akala ko... kapag ikaw ang naghintay, ikaw din ang babalikan.
Pero mali pala ako.
Nakita ko siyang muli-
ang lalaking ipinaglaban ko, hinanap ko, at iniyakan ko sa bawat gabi ng pagkawala niya.
Pero sa muling pagkikita namin...
hindi na ako ang nasa puso niya.
Hindi na ako ang pinili niya.
At sa sakit na iniwan niya, dinala ako ng tadhana sa lugar na hindi ko kailanman pinangarap-isang mundong puno ng kadiliman, kasamaan, at takot.
Doon ko siya nakilala.
Isang nilalang na walang sinuman ang gustong lapitan.
Masungit. Malupit. Mapanganib.
At sa hindi ko maintindihang dahilan...
sa pagitan ng mga asaran, katahimikan, at sagutan-
siya ang unti-unting naging tahanan ko.
Hindi ko siya hiniling.
Hindi ko siya pinangarap.
Pero dumating siya...