Nagmamadaling yapak ng mga paa ang maririnig sa katahimikan ng gabi. unti-unting nahahawi ang mayayabong na talahib na dinadaanan ni Jullie. bagamat sugat sugat na ang kanyang mga talampakan ay patuloy pa rin siyang tumatakbo upang takasan ang taong nagnakaw ng kanyang kabataan at kainosentihan. walang lugar sa kanyang dibdib ang pagod sapagkat batid niyang kapag naabutan siya ni Tony ay babalik siya sa impyerno na kasalukuyan niyang tinatakasan ngayon. Wala na siyang ibang iniisip ngayon kundi makamtan ang kalayaang matagal na ipinagkait sa kanya ng asawa. 'Di din nagtagal ay narating na niya ang hangganan ng lupain ng kanyang asawa. Ng makita niya na ang liwanag na nagmumula sa poste ng ilaw ay batid niyang malaya na siya. pinara niya ang kotseng paparating, at ng huminto sa kanyang harapan ang kotse ay tuluyan na siyang nakahinga ng maluwag. Nawalan siya ng malay sa pagod, ngunit bago niya ipinikit ang kanyang mga mata ay maligayang maligaya siya dahil sa wakas ay nakamit niya na ang kalayaang matagal niyang hinintay.