The Missing Kingdom of Izles
16 parts Ongoing Ang Paraiso ay isang mundong binubuo ng apat na kaharian. Ang Izles, Vinetus, Sephtis at namumunong kaharian ng Niteo. Ito ang nagsilbing tirahan ng mga nilalang na may iba't-ibang kapangyarihan at kakayahan.
Naging payapa nang matagal na panahon ang Paraiso dahil sa maayos na pamamalakad ng Hari ng Niteo na si Haring Tadeo, ngunit hindi rin ito nagtagal nang umugong ang bali-balitang mayroong malubhang sakit ang Hari.
Ang mga sakim sa kapangyarihan katulad ng kaharian ng Sephtis at Vinetus ay bumuo ng kilusang magpapatalsik sa Hari sa pwesto. Naging matagumpay sila. Napaslang nila ang Hari ngunit hindi ang galit na namumutawi sa puso ng Reyna.
Tumangis ito ng dugo at isinumpa ang lahat ng may sala. Sa hindi malamang dahilan ay ang nanahimik na kaharian ng Izles ang tinamaan ng sumpa at naglaho.
Ano ang hiwaga sa likod ng naglahong kaharian?
-
"Halimuyak ng puraw na sampaguita,
Dagtum na pilit kinubli niya,
Talulot ang siyang ugat,
Bubuksan muli ang sugat,
Pumanaw na sanlibutan,
Sumumpang muling babalikan. . ."
Book Cover Art: @KeiTiDesign
[ Book 1 of Fleur Academy ]
Date Started: September 20, 2022
Date Finished: