Five years ago...
They thought they were in love. Akala nila kaya nilang harapin ang kahit na anong pagsubok na ibigay sa kanila. Nagkamali sila. Sa araw ng kasal nina Sander at Valentina isang kasinungalingan ang sumira sa magandang bukas na naghihintay sa kanila.
Si Sander...
Akala niya nahanap na niya ang babaeng bubuo sa buhay niya sa katauhan ni Valentina. Hindi niya naisip na niloloko lang pala siya nito. Ng malaman niya ang masakit na katotohanan, isinumpa niya na hindi na ulit mangyayari yun sa kanya at darating ang tamang panahon para sa paghihiganti niya sa babaeng sumira sa kanya.
Si Valentina...
Hindi niya ginusto ang nagawa niya kay Sander. Lalong hindi rin niya nagawang pigilin ang sarili niyang mahalin ito. Pero nangyari pa rin. Pinagsisisihan niya ang nagawa niyang panglolokonuon kay Sander pero alam din ni Valentina na hindi maiintindihan ni Sander na nagawa lang niya yun dahil kinailangan niya. Alam ni Valentina na si Sander lang ang taong matatakbuhan niya ngayon pero makaya kaya niya harapin ang galit ni Sander?
Mahanap pa kaya nila ang pag-ibig na natagpuan nila sa isa't-isa noon?