Anong gagawin mo kung pag gising mo yung taong pinangarap mo ng matagal na panahon ay may iba na? Yung taong sobra mong minahal, pinahalagahan, at ginawa mo lahat ng pwedeng makapagpapasaya sakanya ay girlfriend na ng IBA? At ang MASAKLAP AT MASAKIT. Girlfriend na siya ng kaibigan mo... Na siyang tinatakbuhan mo sa tuwing nag aaway kayo. Na hinihingan mo ng tulong sa tuwing may problema ka. Anong gagawin mo? Magagalit ka ba? Bubugbugin mo ba? Papatayin mo ba? Mag mo-move on ka na ba at hahayaan mo na ba silang sumayang dalawa? O ipapakulam mo sila? O isusumpa mo sila habang buhay? O kaya naman... MAGHIHINTAY KA AT GAGAWIN MO LAHAT PARA LANG BUMALIK SIYA SAYO? YUNG TAONG MAHAL NA MAHAL MO? Kahit ipamukha na sayo ng mahal mo na hindi na ikaw yung mahal niya, na wala na siyang pakealam sayo, at higit sa lahat WALA NA SIYANG PLANO PANG BALIKAN KA. ANO? ANO KAYANG GAGAWIN MO?