Isang daang milyong tao, nabubuhay sa isang bansang tatlong daang libong kilometro ang laki. Bawat isa may pangarap. Bawat isa may mithiin. Bawat isa may kanya-kanyang kontribusyon sa dumi ng lupa, nakabilad sa sikat ng araw, sa init ng aspalto, nagbabakasaling umangat. Umunlad. Tumalino. Grumaduate. Ma-promote. At sa dami ng mga numero, sa liit ng mga posibilidad, nakatingin ako sa isang salamin ng pantasya, sabay-sabay binabalanse ang lahat ng mga bagay, habang isa-isa akong binabaril ng responsibilidad. At minsan, kailangan lang talaga nating tamaan ng realidad; hindi lahat ng pangarap natutupad. Hindi lahat ng tao nabubuhay ng matagal. Hindi lahat ng tao umuuwing may galak sa dibdib. Hindi lahat may Happy Ending. At nakakatuwa mang isipin, pero sa mundo ngayon . . . Lahat, nakasalalay sa Piso. _______ Ranked #17 in Humour and #23 in Romance