Sa milyon-milyong tao sa mundo, naniniwala ako na may nakatadhana talaga para sa bawat isa sa atin. Minsan nga nasa harapan na natin. Minsan naman nakabunggo na natin o di kaya nakatabi na natin sa jeepney. Hindi natin alam, baka ang tindero sa kanto na pala ang lalaking para sa'yo o baka naman ang sales lady na sa mall ang babaeng ka-forever mo. Minsan nga mala fairytale pa na pangyayari ang magdadala sa iyo sa taong inilaan ni Kupido para sa iyo. O di naman ay mala teleserye ang pagdating ng pinakahihintay mong pangarap. Sa laki ng mundo, at sa mapagbirong ikot nito, hindi magiging madali upang hanapin ang taong nakalaan sa iyo. Hindi mo maiiwasang mahulog sa maling tao. Hindi mo maiiwasang masaktan, lumuha, at maloko. Sabi nga nila di ba, kung naging masaya ka sa maling tao, paano pa kaya sa taong nakalaan sa iyo. Kaya, maghintay lang. Darating din siya, baka na traffic lang.
Limang taong may iba't ibang paniniwala. Limang taong pinagtagpo ng tadhana. Limang taong umaasang mahanap ang totoong pag-ibig. Magiging mabait kaya ang tadhana sa kanila? Sasabay kaya ang mundo sa ikot ng buhay nila?
Ang istoryang ito ay iikot sa tema ng pamilya, tiwala, pagmamahal, sakripisyo at paghihintay. Limang tema, para sa limang tao.
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution.
Highest rank: Consistent #1 both in horror and paranormal 2015-start of 2016.
Artist: Aeious Plata