Eto konting ano lang 'to ha.
Kapag may nagkakacrush sayo, 'wag na wag mo siyang lalayuan. Kase una sa lahat, madidisappoint 'yan. Pangalawa isipin mo, kunwari may crush ka sa isang tao tapos yung taong yon, walang pakialam sayo. Diba masakit? Ganon din sila, isipin mo yung nararamdaman nila. Tao rin yon katulad mo, may pakiramdam rin yon! Pangatlo, sabihin na nating ikaw yung inspirasyon niya, kaya nga crush diba? Malay mo for example lang, tinatamad siyang gumawa ng projects or assignments o di kaya ibang bagay na ayaw niyang gawin. Isipin niya lang ikaw na "ay gagawin ko 'to kasi si crush ganito ganyan" edi magagawa niya yun, ng dahil sayo. Hindi mo alam minsan, may natutulungan ka ng tao kasi nga inspirasyon ka! Kaya 'wag na wag mong ipagtatabuyan ang taong yon! Malay mo isang araw, nagsawa na siya kasi ang sakit na ng ginagawa mo sakanya, kahit crush nasasaktan narin depende yan kung marunong ka mag control ng feelings mo. Bigla nalang nagbago ang lahat, baka sa susunod ikaw na ang magkakacrush sakanya! At yung mga ginawa mo sakanya na masasakit, ay babalik rin sayo! Yan, bad karma! Kaya maging mabait ka sa isang taong alam mong may feelings sayo.
Okay, sorry ang boring e