Standard in life are no use when you are really destined to someone God made it perfect for you. Life isn't about colors and rainbows. Life is about surviving when I mean surviving, it is being happy while you are trying to survive.
A man willing to love you with all his heart is rare, that's why when you found one, keep it! Never let it go. Dahil ang pagsisisi ay palaging nasa huli. And then when you realize regret can no longer be changed, you cry.
But instead of crying, try to make another move with all your heart, with all of you, para kahit sa huli, kahit hindi pa din successful, at least hindi ka magsisisi. Dahil doon, ibinuhos mo ang lahat.
It's okay to lose the battle when you tried hard to win it, but what is not acceptable, is losing the battle where all you did was to plan with no actions included.
JASON puffed his smoke and looked up the ceiling. Kasalukuyan siyang nakaupo sa ladder step ng fire escape sa fifth floor. Tahimik ngayon sa campus kasi wala pang mga estudyante at napaka-aga pa. Pero matiyagang nag-aantay si Jason para sa isang dalaga.
Bumukas ang pinto sa susunod na palapag ng fire escape at umupo siyang maigi. Nariyan na si Marjory. He extinguished his cigarette with his foot on the floor, and listened.
Kumanta ang dalaga ng kaniyang worship song at dinasal ang morning prayer. Kasama sa dasal nito ang mga ordinaryong taong kabilang sa buhay nito.
Umangat ang sulok ng mga labi ni Jason at tumingala sa kisame habang pinakikinggan ang panalangin nito.
Isang buwan na niyang naririnig magdasal si Marjory sa fire escape. At isang buwan na ding siyang tsismoso.
Aminado naman siya na hindi para sa kaniya ang mga dasal na 'yon. Talagang hindi niya kayang lumayo kasi tulad ng ibang ligaw na kaluluwa, hinihintay ni Jason na ipagdasal siya ni Marjory Arieta.