Saktong pagtungtong ng alas kwatro ng hapon ay isinilang ang napakagandang bata para sa mag-asawang Katerina at Pierro. Bakas sa mukha nila ang saya at pananabik sa bagong silang na sanggol. Pinangalanan nila itong Estefania. Ilang taon ang nakalipas ay namuhay ng sagana ang pamilya ni Estefania. Marangya at maginhawa. Yang ang kinalakihang buhay ni Estefania. Lahat ng luho at lahat ng kanyang naisin ay agad na napapasakanya, dahilan upang gumaspang ang kaniyang ugali. Sa kagustuhang mapasaya ang kanilang nag-iisang anak, tila nakalimutan na ng mag-asawang Katerina at Pierro na turuan ito ng tamang asal. Hanggang sa nagdalaga ito ay lalo pang lumala ang singaspang ng kalderong ugali ni Estefania. Ano kaya ang makakapagpabago ng ugali nito? Kailangan bang maturuan sya ng leksyon? Ano ang mangyayari sa mala-fairytale na buhay nya? Posible kayang magbago pa ang tinaguriang Antagonist slash Kontrabidang si Estefania Veronica Madrigal?