"Di naman talaga kita minahal, naawa lang ako sayo kaya kita pinatulan" Pano kaya kung darating sa oras na sasabihan ka niyan ng taong sobrang importante sayo? Makakaya mo bang i-handle ang ganyang sitwasyon? Malamang hindi. Pero may isang tao na satingin ko nakayanan ito. Isang mahina, di kagandahan at uto utong babae lang naman ang kinayanan nito. Si Jilliane Domingo. Paano kaya kung isang araw naisipan niyang balikan at habulin ang ex niya? Tama nga kaya ang ginawa niya o mas lalo lang niya pinahirap ang sitwasyon? "Revenge" last thing na sinabi ni Jill.