Anong nararamdaman mo kapag nakikita mo ang sarili mong nag iisa. Walang kasama, walang kaibigan, walang pamilya. Nangyari na ba ito sayo? Yung tipong hindi mo alam kung bakit nandito ka pa sa mundo. May salita pa bang " Do I Exist?". Hangang sa isang araw nagising ka na lng sa katotohanang ayaw mo na. Ayaw mo nang gumalaw, ayaw mo nang makaramdam, at ayaw mo nang marinig ang salitang "Mahal kita". Kung siya rin naman ang naging dahilan kung bakit ang kalayaang hinahanap mo ay tila sinakop na ng ibang Mundo. Parang bulang naglaho dahil mas pinili mong piliin siya kahit na ang kapalit ng desisyong ito'y isang pagkakamali lang pala. Siya ang nagbigay ng Inspirasyon sayo. Siya ang taong umintindi sayo. Siya. Siya. Siya. Siya. Sa lahat ng bagay na gustong gusto mo. Ngunit sa huli siya rin ang magpapaintindi sayong hindi lahat ng bagay SIYA lang ang magiging mundo mo.