Si anna isang simpleng istudyante sa sta.rita high school, hindi naman sya kilala sa school nila at hindi rin naman matalino, nabibilang man sya sa Top sa klase pero hindi lagi, isang tahimik na dalaga at hindi nakikihalubilo sa iba maliban na lang sa dalawa nyang kaibigan na si ange at divine. Mula kasi ng elementary sila, sila-sila na ang mag kakasama, pero mag babago ang lahat dahil sa implowensya ng ibang magiging kaibigan nila. Panu na ba nagiging bitch o playGirl ang isang babae? Hindi naman sila pinanganak na playGirl agad. Siguro maaaring pinili nila yung ganun sitwasyon O baka naman naimplowensyahan lang ng maling kaibigan. Marami pang dahilan kung bakit at panu sila naging ganun. Pero ginusto nga ba nilang lahat yun? O baka napilitan lang.