(First three chapters of Series 2 - Heart Lullabies: LOOKING FOR -GHOSTS- LOVE. Published under © Precious Hearts Romances) "Hindi na kita gusto lang. Mahal na kita." Nagtungo si India sa probinsiya ng Gailan kasama ang boss na si Dan para "mag-ghost hunting." Ipi-feature nila iyon sa Ghost Files, ang bagong show sa TV station na pag-aari ng pamilya nina Dan. Ayaw sanang sumama ni India, at si Dan ang dahilan. May "past" kasi sila. Nasa college pa lang sila ay lihim na siyang umiibig sa binata-pero hindi nito sinuklian. At ngayon, habang naghahanap sila ng mga multo, parang multo ring bumalik kay India ang nakaraan. At natuklasan niyang buhay pa pala sa kanyang puso ang damdamin para sa binata. Pero ang puso yata ni Dan ay patay pa rin. Kailan kaya iyon mabubuhay para magkaroon na ng katuparan ang pangarap ni India na magkasama silang magmamahalan hanggang sa kabilang buhay?