Book 2 of Legend of Gemini Gusto mo ba ng mga kwentong Outer Space Adventure? P'wes ito ang istoryang magugustuhan mo. *** Ang bawat sanggol sa planetang Chrome ay may gemini prints sa mga palad. Ang prints na iyon ay may kapares na sanggol sa planetang Exilon. Sa pagkasapit ng ika-labing walong taong kaarawan ng mga sanggol, sila ay mag-iisang dibdib. Ang mga walang kapares na sanggol ay tutugisin, at papatayin para iaalay sa mga anito. *** Isang taon ang nakalipas matapos ang rebolusyon ng mga demon children sa Outer Space Station na Sanctuary, nagkaroon na sila ng mga gemini prints. Senyales ito na nagwakas na ang sumpa ng mga bathala subalit para kina Stellar, Saturn, Anemone at Orion hindi pa nagtatapos ang kanilang parusa. Apat kasi silang may magkaparehas na gemini prints. Nalilito silang apat kung sino ang kanilang soulmate kaya nagpasya silang alamin kung ano misteryong nababalot sa kanilang mga palad. Sakay ang Aviator Felicity, naglakbay sila patungo sa Planet Argonaut's Galactic Asylum for the Prisons para sa isang misyon. Ang misyon nila ay sagipin at palayain ang kanilang mga magulang sa kamay ng mga Star Cops. Highest rank of RINGS OF PLANET ARGONAUT #9 in Adventure (23 - Nov - 2016)
11 parts