Patuloy lang ang mga sunod sunod na putok ng mga baril na umaalingawngaw. Kasabay nito ang mga sigaw at iyak ng mga taong humihingi ng tulong. Halos lahat ng tao ay nagtatakbuhan papalayo. Bata, Matanda, Buntis at kahit na mga alagang hayup ay nakahandusay sa lupa habang nilalantakan ng mga taong parang mabangis na hayop! Wait. Totoo ba talaga 'to? Tao pa ba sila? Huwag mong sabihing na yung "M" na lugar na sinasabi sa site ay MONTALBAN!? Teka lang. Hindi pa nagsync-in sakin lahat!! Huwag nyong sabihin sa akin na dito sa lugar namin magsisimula... ...ANG ZOMBIE APOCALYPSE!!!?