"ENOUGH! HINDI KA BA NAPAPAGOD, HA? HINDI KA PA BA PAGOD SA PANINIRA SA'KIN? PWEDE BA, TAMA NA! MASAYA KA NA BA HA? MASAYA KA NA BANG SINIRA ANG BUHAY KO?!" sigaw niya sa harapan ko at nanginginig na sa galit. Pero walang ekspresyon ko lang siyang sinagot.
"Hindi pa. Kulang pa 'yan. Nakukulangan pa ako. Hindi pa ako nasisiyahan sa ginawa ko. Gusto ko, MAGDUSA KA!" sigaw ko sa mukha niya pero bigla niya akong sinampal na ikinangisi ko.
"Diyan ka lang naman magaling, ang manampal. Kahit kailan, talunan ka pa rin. Basura ka pa rin. Kahit anong paligo at panlinis mo sa katawan mo, mabaho ka pa rin. Umpisa pa lang ito, wala pa tayo sa kalagitnaan. Kaya be ready of my Sweet Revenge." Nakangisi kong sabi na ikinatulala niya, saka ko siya iniwan na dahan-dahang napaupo sa lupa.
Kim Taehyung as Ryan Montecillo
Kim Jennie as Margarette Gomez
Started:October 27,2016
TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Bliss Books)
53 parts Complete
53 parts
Complete
[HI! This story will become free on MARCH 19]
*
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, can they manage to be together in the end--or will they remain as each other's TOTGA and nothing more?
***
May feelings na laging nandiyan, nakaabang kung kailan magpapapansin. Nakaabang kung kailan ako titisurin sa mga pamilyar na kanta, lugar, at salita. Magpapaalala sa isang mukha na hindi ko naman gano'n kakabisado pero pamilyar. Magpapaalala sa mga dating pakiramdam.
Malalaman mo raw kung sino ang The One That Got Away mo kapag narinig mo 'yong salita at nakaalala ka ng iisang tao lang; nakatisod ka ng mga dating pakiramdam; nangulila ka sa mga nakaraang saya; nakaalala ka ng mga pamilyar na sakit.
Sabi, time heals wounds at distance makes one forget. Bakit parang hindi naman effective? Bitbit ko pa rin lahat ng what if. Hindi pa rin ako makatakas sa maraming sana.
Ako ba ang bumitiw o siya? Tapos na ba kami talaga?
Ang sarap magtanong kaso...wala nga palang kami noon.
Disclaimer: This story is written in Taglish.