Si Isabelle ay isang magandang dilag na umay na umay na sa trabaho niya bilang tagabunot ng uban kina Aling Maria. Gusto niya ring gumala, pumunta sa bayan katulad ng kaibigan niyang si Barbara. Kaso ang nanay niyang oso ay kontra-bulate at ayaw siyang payagan. Sa hindi inaasahang pagbisita ng paboritong apo ni Aling Maria ay natupad nang wala sa oras ang pangarap niya. Nakagala si Issa, nakawala sa hawla. Ngunit ang gala ay hindi inaasahang masalimuot, mapanakit, mapanlinlang. Unti-unti niyang natuklasan na ang mga malalapit niyang kaibigan ay hindi lang isang tipaklong, o isang hunyango. Sa katagalan ay nagsimula na siyang magduda--hindi lang siya kundi pati ang mga nakapalibot sa kanya. Nagtatanong kung ang mga pangarap, ang mga damdamin ay tama pa rin ang tinatahak na daan.