Maraming #hugot ngayon ang mga kabataan, dahil sa bagay na tinatawag na #PAGIBIG, ito marahil ang nagpapasaya sa kanila, nagpupuno ng nga kakulangan sa kanila at nagbibigay pag-asa sa kanila at kadalasan hindi sila maintindihan ng iba. Maraming positibong dulot sa kanila ang pag-ibig pero minsan ito din ang nagpapahamak sa kanila ng dahil sa kanilang mga maling desisyon.
Nagmahal, nagmadali, nabuntisan, iniwan, nasaktan.
Nagmahal, umasa, nasaktan, naging miserable, nagrebelde.
Nagmahal, niloko, nadala sa pagsubok, bandang huli naging pa-walk.
Paano naman kapag believer ang nabiktima?
Nagmahal, nasaktan, nawalan ng passion, hindi na nagdevotion.
Nagmahal, iniwan, nawalan ng passion, hindi na ginawa ang great commission.
nagmahal, nasaktan, yung dating maka-lord naging maka-world.
Pwede din namang...
Nag-encounter, nagliyab, nain-love, nagbackslide.
Pero hindi naman mauuwi sa ganito ang pag-ibig, kung tatapatan mo ng tamang desisyon, parang...
Nagmahal, nagpigil, grumaduate, at nagpakasal sa PERFECT WILL.
Tunghayan natin ang kwento ni Angel na isang G-12 member, na-in love sa konsepto ng pag-ibig, at kung anong kahihinatnan niya sa pagkakataong umibig siya...