"I wanna drink your blood and kill you right now." "Lol wag ako. " 3rd year High School. NBSB. Yan si Xeina Marie Vallemara. Isang normal na estudyanteng mahilig sa supernatural phenomenon pero di naniniwala sa mga ito. 3rd year High School. CBSB (countless boyfriends since birth). Yan naman ang bespren niyang si Mei Hanejima. Isang araw, dahil sa lalaking dumating at nang-akit kay Mei, magbabago na ang kanyang mga kilos at bago pa matuklasin ni Xeina ang nangyayari sa kaibigan, bigla na lamang itong babalik sa dati na parang hindi nakilala ang lalaki. Pagtataka, pagkatakot at pagkainis ang babalot kay Xeina hanggang siya na ngayon ang sinusundan ng mala-multong lalaki. Ano kayang meron sa lalaking iyon na magbabago ng kanilang mga buhay at ano pa kaya ng matutuklasan ni Xeina tungkol sa kanyang kaibigan?