Pano ka magmahal ? Gagawin mo ba ang lahat lahat para sa taong mahal mo? o hahayaan muna lang siyang maging masaya sa piling ng totoong minamahal niya? Kung isang matinong tao ang tatanungin mo, alam kong ganito ang isasagot niya. Oo hahayaan ko siyang mapunta sa taong tunay niyang minamahal kasi alam ko na kahit anong gawin ko hindi kailanman niya ako pagaaksayahan ng time para lingunin . Sa tingin niya isa lang akong hangin na kahit anong gawin ko maramdaman man niya hindi pa rin niya ako makikita sapagkat hindi naman ako ang araw na nagbibigay ng liwanag sa buhay niya . Isa lang akong malamig na hangin sagot lang sa panandaliang init na nararamdam . Pero hindi ako ganito ,hindi ako papayag na maging isang malamig na hangin lang sa buhay niya. Gagawin ko ang lahat para makita niya ako ! Ako nga pala si ELLAINE RODRIGUEZ, ella for short ang babaeng sobrang magmahal sa isang taong taken .