Boring ang buhay kung walang thrill, walang excitement, walang emosyon at walang halong kulay. Gaya sa pag-aaral, hindi lahat ng bagay sa eskwela ay masaya. Minsan boring at hindi na yun mawawala. Pero ibahin mo kung makikilala mo ang iyong bff buddy's na tinatawag. Kadalasan sa mga bff ay plastic o kaya mapapel minsan straw na gamit sa pansipsip at meron din naman ung orig at totoong kaibigan. Payo lang, kilalanin mo sila baka may hidden agenda. Minsan nagiging masaya ang eskwela kung may kabuddy kang nagshe-share ng problema, saya, lungkot at mga kalokohan. At swerte mo kung yun ay mga open minded. Kahalo sa katangahan, kulitan at minsan sa kalibugan. At kadalasan kung sadyang may kahinaan ang utak mo sa eskwela, eh asahan mo ng may studybuddy ka. Pero ibahin mo ang studybuddy ko. My StudyBuddy is An Extraordinary.