Meet Mr. Jacob Marasigan Macaraig a.k.a Mr. Mute. Isang Third Year College. Estudyante ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Ang pinaka tahimik sa buong building ng College of Communication na nagsasalita lang kapag recitation, reporting at debate. Mahilig makipagtalastasan pero pag natapos ay parang isang anghel na nakaupo sa isang tabi na hindi umiimik at nagsasalita. Matalino at consistent top 1 sa deans list. May maipagmamayabang sa lahat ng bagay subalit hindi palakaibigan at palakausap. Usually walang emosyon at kundi nakatingin sa malayo ay nakaupo sa kanyang upuan at natutulog. Paboritong Larangan: "DEBATE". Pangarap niyang maging pinakamagaling na abogado na magtatanggol para sa mga taong nawawalan na ng pag asang makamit ang katarungan. Isang pobreng lalaking simple pero may dating at kapag nagsalita, may stip neck lang ang di mapapatingin. May taglay ding kagwapuhan subalit hindi angat sa karamihan. Gagawin niya ang lahat upang maging number 1. Meet Ms. Vanessa Rivera Cruz. Isang DLSU student. Third Year College sa kursong Broadcast Journalism. Ang pinaka mayamang babae sa buong University. Sosyalerang maingay at palaban. Mahilig makipagbangayan sa mga taong hindi nya nagugustuhan. Spoiled Brat at hindi tumitigil hanggat hindi nakukuha ang gusto. Taglay ang nakakasilaw na awra at ganda, siya ang kadalasang nagiging laman ng puso't isipan ng mga kalalakihan sa iskul. Mahilig makipagtalastasan at higit sa lahat, varsity ng iskul sa sports na Karate. (Huha!!!) Sa kanyang taglay na katanyagan, hindi siya papayag na maungusan ninuman. Lalo na sa paborito niyang larangan at yon ay ang "DEBATE." Dala ng mapagbirong tadhana, mapipilitang lumipat ang dalaga sa iskwelahan ni Jacob. Magtatagpo ang kanilang mga landas... Will this two yong individuals find comftability to each other? or this will be another round of clash of the Titans? Abangan...
4 parts