"Just for once, I wanna be someone's first choice." Bakit gano'n? Bakit palagi akong talo sa pag-ibig? Bakit ako ang palaging bigo? Bakit ako ang nasasaktan ng sobra? Wala na ba akong panahong magpakasaya sa buhay? Sa buhay pag-ibig ko? Palagi na lang ba akong talo? Sa laro ng pag-ibig, kung sino ang unang mahulog, siya ang talo. Akala ko siya ang unang nahulog, pero bakit ako? Bakit sa dinami-daming tao, ako pa ang talo? Ako pa ang nahulog. Nahulog ako sa kanya, ngunit ni isa sa dalawang kamay niya, walang planong sumalo sa'kin. Hanggang kailan ba ako magtitiis sa sakit? Hanggang kailan ba ako maglalaro sa tinatawag nilang 'PAG-IBIG'? Kailan ako mananalo? Kailan ako maging masaya sa pag-ibig? Wagi silang lahat habang ako, talo palagi. Isang lalaki ang minsan ng nagpatibok ng puso ko. Ang lalaking nagpapasaya sa'kin..... ang lalaking unang bumasag ng puso ko. Lumipas ang ilang buwan, isang lalaking sumalo sa'kin sa aking pagkabigo sa pag-ibig. Ang lalaking nagbigay buhay sa puso kong nasawi. Ang lalaking nagpatibok na naman ng puso ko. Mahal ko siya, ngunit mahal niya kaya ako? Laro na naman ba 'to? Kailan ba matutuon lahat sa realidad? Kailan ba maging realidad ang isang pantasya lamang? Sa buhay pag-ibig ko, ako palagi ang talo. Kailan kaya ako magwawagi? Kailan kaya ako sasayang muli sa pag-ibig? Hanggang kailan ako magtitiis sa sakit ng isang madilim na pag-ibig?
38 parts