Si Cloud ay namomroblema dahil ilang araw na siyang hindi kinakausap o tinetext ng kanyang fiancée na si Maricella. Nag-isip rin siya ng mabuti kung ba't naging hanging si Maricella, kung ba't wala siyang paramdam. Sinusubukan niyang alamin kung anong problema ngunit naalala niyang walang away na naganap sa pagitan nila. Ang pagka-masungit ni Cloud at ang ugaling 'pikon' ni Maricella ay pak na pak! Dahil pinagtagpo sila hanggang umabot sa puntong malapit na silang ikasal. Sa isang outing, nagsama sama ang mga pinsan ni Cloud. At siyempre, kasama rin nila ang kanilang mga asawa't kasintahan! O diba? Nakakabitter para kay Cloud dahil wala si Maricella. Kaya nagdesisyon siyang matulog sa kanyang kwarto sa rinentahan nilang cottage. Napagtanto rin niya that time, na si Maricella ang pinaka-maldita sa lahat ng mga maldita dito sa mundong ito. Pinaka perfectionist sa lahat ng mga perfectionist sa balat ng lupa since isa rin siyang professor kagaya ni Cloud. Pero kahit ganun, may soft side rin naman siya at ipinapakita niya lang ito sa mga taong mahal niya, lalong lalo na kay Cloud. Mahal na mahal siya ni Cloud at masasabi nilang 'Unexpected Love' ang lahat dahil tinadhana sila. Minsan, naiisip nga ni Cloud kung ano kaya kung magiging tanga si Maricella. Crazy right? "What If she was dumb?" tanong niya sa sarili. Ooooooo tama na, hanggang dito lang ang description. Magbasa na kayo hehe ^_^ SALAMAT AND GOD BLESS.