Away, Bangayan, Asaran, Kwentuhan, Kulitan, lahat na. Sa isang section makikita lahat ang ganyang katangian. Iba't ibang klase ng tao ang nasa loob. May maganda, meron ding feelingera. May akalang sobrang gwapo, wala namang ibubuga. May iyakin, joker, malandi at matalino .May akala mong kaibigan mo, plastik naman pala. May maldita, meron ding masyadong seryoso.
Sa isang section, nagsama ang lahat ng ito. Magulo man, pero mas exciting. Kesa naman sa safe ka, pero boring .Lagi mang may problema atleast may thrill. Worst Section nga kung tawagin. Lahat nalang yata nandito na. Kahit ganun ang tingin sa kanila, walang may balak magbago. Kakaiba nga sila diba?
Pano kung dumating ang araw, na magbago ang lahat ng nakasanayan. Magiging masaya kaya sila o mas gugulo pa?
Let see!
Let's See!
Beautiful liar
By:
Sa panahong nagbago na ang lahat sayo.
Sa bagong yugto ng iyong buhay
Paano kung muling magtagpo ang inyong mga landas.
Ano ang gagawin.
Ang dating panget ngayon ay gumanda na
Ang dating nilalait ngayon kinagigiliwan na ng ibang tao.
Ang dati kong ginugusto, ngayon hindi mo na gusto
Ang dating walang paki-alam sayo biglang magkaroon ng pakialam sayo.
Ang dating hinahayaan ngayon iiingatan na.
Pano kung ikaw at ang lahat sayo ay nagbago kasabay non ay magustuhan ka na ng taong dating hindi ka pinapansin. Ano ang gagawin mo?
Pano kung sa muli niyong pagkikita ikaw naman ang kukulitin niya............para lang mapansin mo sya.
Muli ka kayang susugal?
Muli kayang manunumbalik ang pag ibig?Pano na ang pusong nasaktan? Maniniwala ka ba uli?Pano kung hindi pa rin pala pwede.
Pano kung this time ikaw naman ang ipaglaban niya. Maniniwala ka pa kaya.
Pano kung mahal ka na niya pero yung puso mo ay nagsasabing hindi mo na sya mahal?
Paano kung masaya ka na sa pag-iisa? Masaya ka ng ikaw lang?Papasukin mo ba sya uli sa buhay mo?.
Paano mo haharapin ang taong minsan ka ng sinaktan?