Anong pipilin mo? Ang patuloy na mahalin ang taong naging dahilan para sumaya ulit, o iwanan siya dahil alam mong ito ang mas tamang gawin sa kabila ng mga pag subok. Will you give up your love for someone because you know that it's the right thing to do? Or forget the world and continue your love even though it has a lot of risks. Meet Yhiel Tan. Isang simpleng babae na matagal ng baliw sa isang lalaki na buong akala niya ay hindi niya maaabot. Pero nagkamali siya. Dahil di niya inaasahan ang pagka gusto sakanya neto. Pero mas hindi niya inaasahan ang iwanan siya neto ng walang sapat na rason. Dahilan para maramdaman niyang hindi siya sapat. Hanggang sa may isang taong hindi nag dalawang isip na iparamdaman ulit sakanya kung gaano kasarap mag mahal. Lalo na ang mahalin pabalik. Sa loob ng masasayang buwan kasama ang minahal niyang si Zach ay hindi niya maitatanggi na hindi na niya kayang mawala ito. Masakit at pinagdaanan niya pero ng dahil dito ay napawi ang lahat ng iyon. Pero paano na kung hindi pa pala tapos ang lahat ng problema na inaakala niya ay tatantanan na siya? Paano na kung sunod sunod na rebelasyon ang mangyare? Na maski ang taong nagturo sakanya lumaban at ipagpatuloy ang buhay, ay sumuko na din at nagpatangay sa isang desisyon na hawak ng taong pinagbabayaran niya ng utang na loob? Magpapatangay ka ba sa hangin, para mawala na sa landas niya at tuluyan ng mawala sa sarili? O ang intayin siya at pilit intindihin ang sitwasyon dahil alam mong mahal ka pa niya at hindi iyon mawawala? Alamin naten kung anong kayang gawin ng labis na pagmamahal. Na hindi sapat na dahilan ang pagkakamali para sumuko agad. Na kahit anong hadlang, kaya niyong labanan kung alam niyo sa sarili nyo na karapat dapat pa. Sabay sabay tayong ma - inspire, sa pagmamahalan na puno ng saya, pero sa huli ay dadating ang mga pagsubok na kahit halos di na nila kayanin, ay magagawa nilang talikuran iyon dahil sa Pagmamahal.All Rights Reserved