Humahagos na napaiyak ako. Paulit ulit na sinasaksak ang sarili gamit ang gibang kutsilyo. Walang dugo, ni hindi nadaplisan o nasugatan! Walang marka! Walang sakit na nararamdaman!
Unti-unting nanubig ang aking mga mata sa realisasyon na hindi na ako normal. Hindi na magiging normal pa!
Isa akong halimaw!
Humahagulgol na napatingin ako sa aking harapan, nanatiling nakasalampak sa malamig na semento ang isang walang buhay na katawan ng lalaking umatake saakin kanina. May sukat sa tiyan nito at patuloy na tumutulo ang dugo mula doon.
Umiiyak na pinagtutusok ko ang sarili at paulit ulit na sinasaktan rin.
"Alia, okay kalang?!" Wika ni Aling Dali mula sa labas ng unit ko.
Dumadagundong ang puso ko, pinagpapawisan narin ang aking magkabilang kamay.
"O-okay lang po ako..." Wika ko sa naiiyak na tinig.
"Salamat naman, akala ko kung ano na." Narinig ko pang wika ng matanda. Napayuko nalang ako sa kamay kong may bahid na dugo ng lalaking umatake saakin kanino.
"H-hindi ko naman sinasadya...patawad." Wika ko sa lalaking namayapa na.
Nanindig ang balahibo ko ng muling tumayo ang lalaki sa pagkakahimlay nito, tumingin ito sa gawi ko.
"Hindi, hindi mo nga sinasadya." Wika niya saakin sabay ngisi, "Masasabi kong tama nga ang pangulo at ikaw ang naturang binhi."
Napakunot naman ang noo ko dahil 'dun, "B-binhi?"
Ngumiti itong muli, "Maligayang pagbati, bagong nilalang ng dilim." Narinig kong wika nito bago ako nakaramdam ng antok. Unti-unting nawala narin sa paningin ko ang lalaki kasabay ng pagkawala ng aking huwisyo.
Into the Dark.
#1 of the Dark Triology
The Devils Hell University (Published under Bliss Books)
63 parts Complete
63 parts
Complete
LIMITED TIME: Read now for a chance to win Coins! See full details in the newest chapter.
Limited Time: 40% off paranormal stories 🐺🖤
October Sale Alert! Embrace the darkness with these paranormal reads. Unlock now until Nov 3!
**
The hidden daughter of the Parkers, Devi, longs for acceptance and happiness from her family. When her father sends her to the Devil's Hell University, she thinks it's her chance to prove herself...by being bait to lure and kill her family's mortal enemy, Demon Lewisham.
***
As daughters are forbidden in the Parker family, Devi is tired of living in the shadows. But finding a way for the love and acceptance she so desperately needs comes in the form of luring in her family's mortal enemy at the Devil's Hell University-a school for criminals. Demon is a devil with a heart of ice, but when Devi finds herself wanting it beneath his cold and ruthless exterior, she's faced a decision she doesn't want to make. What will be her choice-Demon, the love of her life, or her family?
DISCLAIMER: This story is written in Taglish.