Ang magkaroon ng kaibigang handang sumalo sa lahat ng kapalpakan at pasakit mo sa buhay ay siyang patunay na napakaswerte mong nilalang. Simula pa lang, siya na ang naging takbuhan mo. Nasanay ka na lagi siyang nandiyan para sa'yo. Yung 'di mo na makita ang buhay mo na wala siya. Kaya pinanghawakan mo na hanggang dulo hindi mabubuwag ang pagkakaibigang meron kayo. Hindi mo siya sasaktan. Hindi mo siya iiwan. Nangako ka. Pero paano pala kung sa pagkakaibigan niyo, lihim mo na siyang nasasaktan? Will you still choose to keep the friendship you had or will you let it be over? **************** As a promise to my dearest friend... I'm writing now your story. Sorry kung hindi ko siya agad natapos bago ka nawala. I missed you.