Babaeng lumaking di kayamanan ang kinagisnang buhay, ngunit nagkaroon ng malaking pangrarap. Siya'y nagsikap kahit na ang tingin ng ibang tao sa kanya ay walang mararating gaya ng buhay nila. Salat man sa buhay di naging dahilan ito para siya'y sumuko sa hamon ng Buhay. Isang masikap na babae na gagawin ang lahat para maiahon ang pamilyang kinalakihan. Lalaking lumaking mayaman at sunod sa luho, nakukuha lahat ng gustuhin. Lahat ay gagawin niya masunod lang ang gustuhin niya. Lumaking yaman ang nasilayan niya. Ginto, Kayamanan, Diyamante, Alahas at kung ano-ano pa. Wala na siyang dapat ipag-alala dahil ang buhay niya ay napalilibutan ng kayamanan. Pano kung pagtagpuin ang mga landas nila? Magbabago ba ang mga buhay nila? Magbabago ba ang mga pananaw nila sa buhay? Dalawang taong pagtatagpuin ng tadhana. Pero para saan?, Anong dahilan?. Dahil lahat ng pangyayari may dahilan.