Sinasabing sinasalamin ng isang akda ang karampot na katotohanan ng búhay; at sa ganang ito, ng mga akdang naririto, ang búhay at katotohanan ay ipaparis sa isang berdeng sintones. Maasim, bubot, magaspang. At ang kasariwaan, marahil, ay ibibigay na lamang ng iba't ibang pagtingin na maidudulot ng asim ng mga alaalang madadanggi ng mga salita, ng kabubutan ng mga karanasan, o ng magaspang na kuwento ng pagiging isang tao. Sapagkat ang di-pulido't magaspang ay ang siyang pinakamagandang dahilan ng pag-iral ng isang akda, at lalo't higit pa ng isang búhay.
Umalis si Julian para magtrabaho sa kabilang bayan. Nangako siyang pagbalik niya'y pakakasalan na niya si Esperanza.
Nagtiwala siya; nagtitiwala siya.
Ngunit paano kung sa muli nitong pagbalik ay hindi na madama ang dating pag-ibig?
Isang storyang idinaan sa pagtula (tuluyan).
Matataas na Ranggo:
1st/400 stories in #prose
5th/7.13K stories in #tula,
6th/7.88K stories in #tula
4th/1.01K stories in #esperanza,
13th/7.21K stories in #prosa.
Sinimulan: 03.07.22
Natapos: 03.02.24
Nirebisa: 10.01.24
Pabalat: George Frederick Watts 'Choosing' (artist's wife, Dame EllenTerry) c.1864