Sinasabing sinasalamin ng isang akda ang karampot na katotohanan ng búhay; at sa ganang ito, ng mga akdang naririto, ang búhay at katotohanan ay ipaparis sa isang berdeng sintones. Maasim, bubot, magaspang. At ang kasariwaan, marahil, ay ibibigay na lamang ng iba't ibang pagtingin na maidudulot ng asim ng mga alaalang madadanggi ng mga salita, ng kabubutan ng mga karanasan, o ng magaspang na kuwento ng pagiging isang tao. Sapagkat ang di-pulido't magaspang ay ang siyang pinakamagandang dahilan ng pag-iral ng isang akda, at lalo't higit pa ng isang búhay.
21 parts