Akala ko kapag nakamit ko na ang pinapangarap ko ay magiging masaya na ako, pero hindi pa pala, akala ko kapag nagkaroon na ako ng maraming pera ay kumpleto na ako, pero hindi pa pala, saan nga ba ito nagtatago? bakit ba kay hirap punan ang uhaw na puso? Ang puso na naghahangad lamang na sumaya pero kay hirap pa makamit ang tunay na ligaya?
Ang pangalan ko ay Angelica Mendoza, isang dalagang punong puno ng pangarap sa buhay, kaya naisipan kong magtrabaho habang nag aaral, hindi ko akalain na ang isang mayamang lalaki na si Jayson Park ay magugustuhan ang isang katulad ko, kaya naman ibinigay ko ang sarili ko sa kanya, subalit napag alaman ko na itatakda na pala s'yang ikasal sa iba, pinaasa at niloko lang pala n'ya ako, sabagay sino ba ako para ipaglaban n'ya? sino ba ako para iwanan n'ya ang lahat para makasama lamang ako,
Ako ay isang hamak na katulong lamang, samantalang s'ya ay nagmula sa mayamang angkan kaya langit at lupa ang aming pagitan.
Nang dahil doon ay nagsikap ako para maabot ko ang pangarap ko, pero pagdating pala sa dulo ay hindi parin ito sapat para mapunan ang kakulangan na nararamdaman ko sa puso ko.
Magkikita pa kaya kaming muli? magiging kami parin kaya sa huli? makakamit ko ba sa huli ang totoong kaligayahan?
"Hindi naman mahalaga kung mahina o malakas ka, ang importante ay ang kaya mong harapin ang iyong mga kahinaan, ang kaya mo itong baguhin upang sa mas lalo pang ika-uunlad ng iyong pagkatao."
Halina't iyong tuklasin sa librong ito kung paano maisapamuhay ang mga aral na itinuturo sa atin ng Diyos, na siyang dahilan kung bakit hanggang ngayon nananatili kang buhay at malakas at binigyan pa ng pagkakataon upang maranasan ang magandang Plano para sa iyong buhay at maayos na kinabukasan.
Dalangin ko na sa tulong ng devotional na ito ay mas lalo mong makilala ang Diyos at mas lumalim sa kanyang presensya at patuloy na lumago sa buhay kristiano.
Sa Diyos ang mataas na Papuri, Karangalan at Pasasalamat sa pangalan ni Jesus...