Isang storyang magpapakita kung paano magmahal ang isang babaeng tulad ni Shaira, isang babaeng tahimik ngunit palaban, isang babaeng di mo man makitang humawak ng libro ay nasa top din ng klase nito. Isang storyang magpapakita kung hanggang saan kayang umabot o hanggang saan ang kayang gawin ng pagmamahal sa pamilya pati na rin sa isang taong nagpapahalaga sa'yo ng higit pa sa sarili niya. Isang storyang magpapakita kung gaano kasakit ang mawalan at iwanan ng minamahal. Ito ay hindi isang typical na storya ng pag-ibig, hindi ito puro kilig dahil sa totoong buhay, hindi puro kasiyahan ang iyong madarama, may mga matatalim na bagay na makakasugat at makakasakit sa iyo ngunit dun mo makikita ang halaga mo bilang tao at doon mo makikitang di mo dapat iasa sa iba ang buhay mo. Makikita mo na sa lahat ng pagsubok na dumarating sa buhay mo, may hatid itong maganda sa iyo at hindi lang puro sakit at hinagpis ang hatid sa iyo. Sana sa storyang ito ay matuto kang mahalin ang sarili mo at pahalagahan ang mga nagmamahal sa yo at wag pagtuunan ng pansin ang mga hindi. -- Ito ay pinamagatang "Chances" sapagkat dapat ay magbigay ng tsansa sa sariling magmahal muli. Chances by: FairyversifierAll Rights Reserved
1 part