Nagiging manhid ang isang tao dahil may masamang karanasan silang napagdaan na nahihirapan silang tanggapin. Lahat naman ay mapagmahal pero kapag ang pagmamahal na iyon ay pinalitan ng poot at galit nagiging bato ang puso at nahihirapan ng magtiwala. Madali lang para sa iba ang mag-move on pero para kay Hexa "hindi". Most of Hexa's friends are boys, boyish sya simula pa noon kahit na niloko sya ng ex-bf nya hindi pa rin nagbago ang pakikitungo nya sa mga kaibigan nyang lalaki. Pero may isang nagbago sa kanya, naging Manhid na sya, na sa sobrang manhid nakakasakit na sya ng ibang tao. Mabuti na lang at nandyan ang mga kaibigan nyang mga lalaki na handa syang ipagtanggol pero paano kung ang isa sa mga kaibigan nya ay may espesyal na pagtingin sa kanya? Mapagbibigyan ba nya? Magawa nya kayang magmahal ulit? O gugustuhin na lang nyang mamuhay at mamatay na wala mn lang kabiyak?