PAALALA: There will be misspelled words/wrong grammar/errors dahil hindi po ako nagpo-proofread. READ AT YOUR OWN RISK :) Nadismaya ang ilan nang malaman nilang isang taga-labas ang magmamana ng pwesto ni Jaime Lorenzo bilang Chairman ng BM Corporation. Si Seb Gerente, panganay na anak ni Amanda Perez-Lorenzo na pangalawang asawa ni Jaime. Wala naman kasi itong relasyon sa may-ari ng kumpanya, ang unang asawa ni Jaime, ang yumaong si Diana Borromeo Lorenzo. Ilang tao rin ang kumukumbinsi sa panganay na anak ni Jaime at Diana na si Gabby na palitan din ang ama, ngunit hindi nito mabita-bitawan ang pagdodoktor. Si Tiffany, ang Executive Assistant ng Chairman at pinakamalapit sa magkakapatid na Lorenzo ay isa rin sa nadidismaya sa pwedeng mangyari. Hindi rin kasi niya gustong si Seb ang pumalit sapagkat hindi naman maganda ang relasyon ng pamilya ni Amanda sa mga anak ni Jaime at Diana na sina Gabby, Zion, Zeke at Nicos. Alam niyang mahihirapan ang mga bata pagnagkataong umupo na si Seb sa pwesto. Isa pa, mortal niyang kaaway ang kapatid ni Seb na si Camille, dahil ito ang dahilan kung bakit naudlot ang pagmamahalan nila ni Mark na siya ngayong General Councel ng kumpanya. Paano ba matutulungan ni Tiffany ang magkakapatid na Lorenzo ngayong mahina na ang kanilang ama? Makukumbinsi ba niya si Gabby na iwanan ang pagdodoktor? Makakahanap ba s'ya ng totoong papalit o hahayaan na lang niyang magtagumpay ang pamilya ni Amanda? ___________________________________________________ This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
16 parts