Tropa rule: Walang taluhan sa tropa. Pero iyon ang ginusto noon ni Raja sa pagitan nila ni Lizzy. Makalipas ang labing isang taon, nagkita silang muli. Matatanda na sila. Kinupas na ng panahon ang away-bata nilang pagtatalo. Nang sa wakas nagkabati sila, hiningi niya ang tulong ni Raja para matupad ang panarap niya. Tulad ng dati, hindi rin siya nito natiis kahit pa hiningi niyang makipag-date ito sa fashion editor na si Natalie. Noong una, natutuwa pa siya sa dates ng mga ito pero bakit habang tumatagal parang naiirita na siya sa pagiging malapt ni Natalie kay Raja? Habang pinipigilan niyang huwag nang mangialam sa closeness ng mga ito, lalong umiinit ang dugo niya. She asked Raja to get close to another girl. Pero parang gusto na niyang bawiin. Si Lizzy na ba ngayon ang lalabag sa tropa rule?