Gaano kasakit na buong akala mo mahal ka pa ng taong mahal mo, pero ang totoo hindi niya lang kayang sabihin sayo na iba na ang kanyang gusto? Gaano kasakit na alam mo sa sarili mo na kahit nakangit at nakatawa siya sa harap mo, ramdam na ramdam mo naman na hindi na yun para sayo? Hahayaan mo parin ba siya magstay sa buhay mo kahit na alam mong di na siya masaya? Ipagpipilitan mo parin ba yung relasyon niyo kahit ikaw na lang talaga ang lumalaban at siya suko na?