Nagmahal. Nasaktan. Nagwala Kung kailan nagseryoso si Eunice sa pag-ibig, saka siya naloko. Kaya naman naging bitter siya. Pati love life ng kaibigan, pinakialaman niya. Pero ang nangyari, may forever pala talaga ang lovelife nito samantalang sa kanya, mas naging bitter lang. Dahil sa kalokohang naisip, naging dishwasher tuloy siya sa isang restaurant ng babaeng napagkamalan niyang girlfriend din ng boyfriend ng kaibigan niya. Binantaan siya nitong ipapakulong. Napakiusapan naman itong huwag ituloy, iyon nga lang naging dishwasher siya. Naging blessing in disguise din naman dahil at the same time, nakilala niya si Lei Villaflor. Bago nila nasimulan ang planong pagpapanggap, nauwi na sila sa totohanan. Nabago nito ang plano niyang huwag nang umibig pa't magpakatandang dalaga. Iyon nga lang may sekreto pala itong makakapagpalito sa kanya. Na kung totoong mahal nga ba siya nito o pinaibig lang para sa huli'y hiwalayan at saktan.