Bata pa lamang nakararanas na ng mga kakatwang pangyayari si Totoy. Bagama't hindi sya ginugulo o nasasaktan, nananatiling katanungan sa kanyang murang edad kung bakit nya ito nararanasan samantalang ang ibang mga kalaro ay hindi. - - Lumipas ang maraming taon. Nasanay na si Totoy sa mga nararanasan. Simple lamang ang kanyang kinalakhang buhay kasama ang lolo na tanging kamag anak nya. Pero ang kasimplehang ito ay biglang nagbago ng tumuntong sya sa ikalabing syam na kaarawan. Nakita na lamang nya ang sarili na pinag aagawan ng dalawang pwersang akala nya ay sa mga kwento lamang makikita. Saan sya papanig ? Sa liwanag o sa dilim ? Ngunit paano nya matutukoy kung sino ang kakampi at ang nagbabalatkayo lang ?All Rights Reserved
1 part