Napakasarap sa pakiramdam na magkaroon ng isang taong handang suportahan ka sa lahat ng mga pangarap mo. Tao na sasamahan ka sa guidance councilor dahil sa kalokohan niyo. At taong masasandalan mo sa bawat kalbaryo ng buhay mo. Hanggang dumating sa punto na lumagpas ka sa linyang nakaharang sa inyo ng kaibigan mo. Nahulog ka sakanya. At alam mo ang mas masaklap? Habang handa kang mahalin siya ng buong buo, may mahal na siyang iba at malabong maging ikaw iyon. Sa bawat pagtawag ng "bes", isang puso ang tuluyang nawawasak. Ngunit sino nga bang makakapansin kung lahat ay napaniniwala niya sa pekeng ngiti niya?All Rights Reserved